- Lyrics
- Album list
Ymagesa
-
Lihim
I. Sa isang iglap na lang Ako'y matutunaw Sa sarili kong tingin Patungo sa'yo At sa bawat beses na ika'y dumaraan Hangad ko lang na ika'y masulyapan Mabatid lamang ang siyang nilalaman Nitong aking isipan
II. Wag na lamang kausapin Walang masasabi Unti-unti ma'y ikukubli ang sarili Hindi naman makaabot kung ikaw ay lalabas At di makahintay sa iyong pagdating Aasa ba o wag nalang kaya
Cho: Alam mo bang ako'y mayrong nililihim sa iyo Na hanggang ngayon ay di pa'rin masabi ng diretso Find more lyrics at ※ Mojim.com Itinatago sa hangin Ngunit ngayo'y ikaw pa'rin
Ano bang maaaring gawin Ng isang di maka-imik Tanong na sana'y hindi na mabitin Pag ikaw ay namasdan ay tila nasindihan Ang pagsibol ng isang pag-asa Kung iyong mamarapatin sana na Ako ay pagbigyan (Chorus)
Bridge: Wag ka munang aalis Pakinggan mo lang aking tinig Kung lalayo ka ng pagtingin Ay hindi maririnig
-
|